Linggo, Setyembre 19, 2010

DuYan

Yugyog mo'y aking hinanap-hanap
Mga ugoy mo'y talagang kaysarap;

Bawat sandali'y ikaw ang pinapangarap

Ganda ng mundo sa'yo ko lang nahanap.



Sa mga sandaling dama ko ang iyong yakap

Pakiramdam ko'y anong langit ang sarap;
Sa tuwing mata'y ipikit isip ko'y puno ng paglingap

Sa piling mo para akong nasa ulap.



Oh duyan hali ka't kanlungin mo ako

Bigyan mo ng saya ang buhay na ito;

Lungkot at lumbay hali na't pawiin mo

Nang malimutan ko ang problemang ito.



Ang iyong pagmamahal dulot ay kaginhawaan

Mga munting pangarap sa'yo ko lang natagpuan;

Ang iyong indayog ang tangi kong kayamanan

Upang itong mga pangarap ay lubos na makamtan.



Salamat sa inspirasyong iyong ibinigay

Mundo kong ito'y naging makulay

Nang dahil sa iyo lumigaya ang buhay

Napuno ng saya at ligayang tunay.